The Heat

Sobrang maiinit ang threads ngayon sa PPTA yahoogroups. Masyadong magagaspang magsalita ung iba against the board. Nasan na ba napunta ang "professionalism"? Siguro sila ung mga walang idea kung gaano kahirap mapunta sa posisyon na yun. Gusto ko lang i-share itong isang segment ng thread na tanging nakapagbago ng mood ko. Salamat sa pang-unawa Mr. Jericho Ayson:

In fairness to the PPTA, its officers, board of directors and members who are doing their part to support the organization, hindi po biro ang trabaho nila na isulong ang mga pagbabago para sa ikauunlad ng profession natin. Yung mga individuals na yan, may mga buhay at trabaho din  sila at yung panahon na iginugugol nila para lang mabawasan ang mga frustrations nyo, hindi po sila bayad. Kahit nga swelduhan pa natin sila e kulang pa siguro yun sa dami ng mga demands natin.  What I see about them, they are more dedicated therapists than most of us. Kaya huwag naman po tayo na padalusdalos na magbitaw ng mga salita na nakakasakit at mga pagbibintang na hindi factual.  If you question where your membership fees go, then attend the convention or their annual meeting to povide you breakdown of the expenses. If you can't attend (for whatever reasons), email the officers and ask for the breakdown. I am sure that the officers are so willing to enlighten you with all your questions regading the funds. Alam niyo ba kung gaano kahirap at karaming paghahanda ang ginagawa ng mga officers and board ang humarap sa kongreso para isulong ang mga gusto nating pagbabago? I have seen how much preparation they have to go through and how much time they have to spent to give justice to our demands. E kayo, anong support ang pinakita nyo? 

No comments: