Mudvayne: Lost and Found

Released: April 12, 2005
Click here to listen to the album.

Image and video hosting by TinyPic

One of the bestest albums i've heard!!! AS IN!!! This was my "JOGGING" album last year. I feel like i'm so full of energy whenever ito ang nagpplay habang nagjojog ako around UST quadrangle... Every lyrics, every beat, naka-embed na sa brain ko. Sobrang engram formation na ito!
Choice cuts (in no particular order):

> Choices -- very political! This song i dedicate to all Pinoys na kasalukuyang pilit na iginigiit na ang pagkakasadlak nila sa kahirapan ay dahil lang sa iisang bagay: ang GOBYERNO. Read through the lyrics and you'll understand kung bakit ndi 100% ay kasalanan ng GOBYERNO ang kinakasadlakan mo ngayon, Pinoy! On a side note, kahit wala na talaga tayong CHOICE other than to pick the least evil among them (politicians), still ndi natin pwd iasa sa kanila ang pag-asenso natin.

> TV Radio -- my call ringtone for over a year now! Buti na lang hindi ako SUN cell, baka sawang sawa na ako sa kantang ito by now! hahaha... You know naman pag SUN, unlimited ang lahat!

 > Determined -- unang pumapasok sa isip ko: moshpit sa concert nila! hahaha...

 > Happy -- can't forget the oooh laa laa so colorful video... hahaha, nagulat ako, parang "eto na ba ang soft side nila?" or "pinilit silang ilagay sa field ng flowers!!!???" heehee...

> Fall Into Sleep -- guitar riffs na naman! grabe isa ito sa mga dream performance song ko! feeling ko nakakangalay yung part ng lead guitar neto.. paulit ulit na makulit yung tunog, cute!!!

> Forget to Remember -- i loved this song even more after seeing the movie SAW II... syemay, halos mabaliw na ako sa kung gaano kaganda yung twist nung story, tapos sinundan pa ng song sa credits na hindi ko ineexpect na ang mahal kong MUDVAYNE ang kumanta!!! nagulat na lang ako nung pumalo na yung drums ni McDonough.

> All That You Are -- a very relaxing song, as in dito talaga naa-isolate yung voice ni Chad na tipong sya lang yung naririnig mo. well that's for me ha! i get hypnotized by how amazing this man's voice is!!!

No comments: