I wasn't born yesterday...

Ahehe, literal na ang ibig sabihin ko sa title ng entry na ito... Hindi ako ipinanganak kahapon, hindi ako pinanganak ng September 8... Ahehe...

May dalawang taong bumati sakin kahapon (thank you very much). At may friends pa ako from province na up to now, ang alam nilang birthday ko ay September 8. Well wala naman masama kung batiin nila ako sa date ng kahapon or kahit anong araw kasi I celebrate naman may birthday everyday (except pag mainit ulo ko! haha).

Pero bakit nga ba nakakalito or madalas nakakalimutan ng iba na hindi September 8 ang bday ko? Birthday ni "Mama" Mary yun dba? Tapos Marian Grace ang birthname ko... Pwede kaya na dun nila naikonek? Pwede rin. Marian... Pero kasi ang pangalan ko ay naderive ng Mama ko sa taon ng kapanganakan ko, not the day itself. Marian year noon (sabi nya) at yung Grace, e well, self-explanatory. Isa akong malaking grasya para sa pamilya ko... (or not?!!! ahehe, disgrasya dapat!) Heehee...

E what if ang ipinangalan sakin ay Ima Concepcion, or Imaculada, or Ima Connie, or (wala na akong maisip) hehehe... Ayan, very obvious na dba. Hindi na sila macoconfuse...

Well pwede rin naman na dahil si Mary din ang involved mismo sa araw ng kapanganakan ko, naging dahilan din yun ng pagka-confuse nila. And besides, parehong numero otso ang birthday ko at birthday ni "Mama" Mary...

So ayun...

Thanks pa rin sa mga bumati... At least unang una na kayo dba! Sure na yun! Hindi nyo na-miss batiin ako sa birthday ko this year! :)

Hugs...

No comments: