ang pagdating doon...

Ano maiisip mo kung naka-check in ka na sa terminal, wala nang problema sa luggage mo, at habang nakaupo ka na naghihintay para magbukas ang gate for boarding ay bigla kang tinawag sa ticketing counter ng airline mo? KABA!!! "May mali ba sa ticket ko? May kulang ba sa bayad ko? Nawala ba check-in luggage ko? Hindi nyo na ba ako papalisin?"... Hehehe, lahat yan naisip ko... Pero wala jan ang dahilan kung bakit ako (at si Jaeger) ay pinatawag ng PAL... Kinuha nila boarding pass namin (kulay yellow for eco) at pinalitan ng BLUE! Huh? Ano pong nangyayari!!! Hahahaha... "Ma'am, Sir you've been upgraded to business class!!!"

Nampucha!!! Mapapamura ka talaga di ba? Wala naman ako ginagawa ah! Umupo lang kami dun nag-iintay na magboard tapos walang kaabog-abog bibigyan nyo kami ng Business upgrade! hahahaha, hindi ako galit nyan, di lang talaga ako makapaniwala... Para sa kaalaman ng lahat, nakakahiya mang sabihin pero first time ko po sumakay ng plane at lumabas ng bansa... Salamat Lord sa magandang experience na ito sa unang araw ng trip ko...

Sa pagkain: kulang na lang magmakaawa ako sa mga FA na tigilan na nila ang pagdadala ng food sa seat ko, hehehe... Syempre hindi ko tatanggihan yun dahil sa ayaw ko ng food nila pero dahil sa sobrang dami na talaga!!! And I was too scared that I might throw up while on board, nakakahiya naman noh! hahaha...

Sa tangkad kong ito, biyaya na rin ang sobra sobrang leg room!!!

Friend na adik, again i should have listened to you when you first told me to watch na the first narnia movie... Stubborn ko talaga, tsk tsk.. Kung alam ko lang na Prince Caspian ang movie nila on board, talagang pinanuod ko agad yung una.. At least nabasa ko naman yung books kaya kahit papano e nakasunod ako sa turn of events sa Book 4... Pero gaya nga ng sabi mo, dami kulang... Okay lang, Aslan RULES naman e!!! Hahaha...

Ma and Pa, thanks for letting me go on this trip ha. Hehehe, nakakatamad magtext, mahal! hahaha, joke...

No comments: