M.M.M.

"Kung ang masasayang bagay nga natatapos, ano pa kaya yung mga malulungkot!"


He was just an ordinary guy for me... Well that's just what i thought of him way back when he was still my classmate in PT. First impression: sobrang tahimik. Pero hindi pala. He's the typical happy-go-lucky guy, malakas mang-alaska (as in! kawawa si Denli, Steph at Crissy), mahiyain sa girl na gusto nya... At ang tanging alam ko lang na extraordinary sa kanya ay ang pagiging vain, sobra. Daig pa ako kasi laging may dalang Pond's facial wash sa bag nya nun. And his hair, never mong makikitang may isang strand na tikwas!!! Pero ok talaga kasama because di naman sya maarte pagdating sa pagpili kung san kami pupunta.


When he left PT and transferred to another course (and university), I seldom see him na, and when I see him pa, hi and hello lang. Wala nang kwento kwento kasi marami syang fans! Syempre hindi na nya ako mapapansin kapag dumadalaw sya sa UST, yung mga fans na lang nya, hahaha!


But during the time that he was away from us, ang dami na palang kakaibang nangyari sa guy nato. A lot of problems beset him. Being 3 years late to start a new course (BS in Com Arts), he had to do work and schooling side-by-side. Up to the point na wala nang tulugan! Other problems are too personal para sabihin ko pa dito. Mind you, those problems are not the ones like having a broken heart, o kaya ay thesis problem, o kaya attitude problem sa kaibigan, and the like. His problems were way too hard for a 20 y/o to handle. And if you would see him now, you wouldn't think na pinagdaanan nya lahat ng iyon. Makulit pa rin sya at malakas mang-alaska pero very mature when it comes to perspectives in life. He even told us, "mahirap talaga lahat ng yun pero nang matapos, parang may pakiramdam ka na kaya mo nang lagpasan lahat ng dadating pa sayo :)"


And now I can say that he was never just an ordinary guy. He is one of the superman's out there. And aside from having his own problems, he still finds time to attend to his friends' problems. Last Sunday lang, I was confiding to him a problem na sabihin na nating hindi pa naman titigil ang ikot ng mundo kapag di ko na-solve yung problem na yun. But he didn't laugh at me, instead he listened to me patiently, laid out the pro's and con's, then he let me decide on my own. But being the stubborn me, I feel like i dont want to listen to him even if i know he was right. He said a lot of things like the very popular one "kung gusto may paraan, kung ayaw madaming dahilan!" Ako yung latter! Nagdadahilan pa! Tama naman talaga e, pag ayaw na, tigilan na. Pero ayaw ko makinig sa kanya kahit tama sya. But one thing that I will never forget sa mga sinabi nya, na dapat marealize ng lahat ng tao na sumasailalim sa napakabigat na problema, MATATAPOS DIN YAN! He even added:


"Kung ang masasayang bagay nga natatapos, ano pa kaya yung mga malulungkot!"


Image and video hosting by TinyPic

No comments: