Gloria, Glo-RIAN Labandera!!!

Dati, para sa akin ang pinakamagandang bagay na naimbento ay ang Camera kasi nacacapture nya ang important moments and memories na kahit ipagsiksikan mo sa brain mo ay nakakalimutan at di mo nasheshare sa iba. Pero kahapon, naiba ang pananaw kong ito. May kapantay na sya sa top spot!



Kahapon ko lang sobra sobrang naappreciate ang invention ni Louis Goldenberg na tinatawag nating electric washing machine!


6 years na rin akong nakatira dito sa Manila (since mag-college) at 6 years ko nang ginagawa ang mga household chores gaya ng paglilinis, paglalaba at pagpaplantsa. Wala naman ako reklamo kung gawin ko lahat ng mga ito (kasi yung iba sinasuggest bakit di ako magpa-laundry/press na lang sa labas) kasi sanay na ako (it's a must in our family na lumaki kang marunong sa gawaing bahay) at isa pa, kumpleto naman ang kagamitan na kakailanganin ko. May washing machine at spin dryer! So sa totoong buhay, ang paglalaba ko ay walang kahirap-hirap, as easy as (1) ikot at (2) banlaw. (over-exaggeration lang yan, syempre marami steps ang paglalaba! haha)


Ooh I can't believe this. Nang mailagay ko na ang detergent sa washing machine together with the sangkatutak na tubal (tagalog for marumi or nagamit nang damit) at i-set ko na ang timer, yeah men, pumutok ang outlet na pinagsasakasakan ko at syempre sumabog din ang wiring ng washing machine ko. Ang saya saya. Hindi ko na inisip pang magpalaba sa laundry shop kasi 9pm na yun (wala akong oras ng paglalaba, kung kelan ko trip gawin basta weekend) at syempre mahirap dalhin dun ang mga basang damit! No choice, kusot kusot kusot! Isang laundry bin din yun! Ang sakit ng likod ko at namula pa mga kamay ko (imagine with all that friction!) Hay, sabihin nyo nang reklamador ako pero parang dko na ata kakayanin pa na kamayin ang labada lalo na at nasanay ako sa washing machine!


Mahal na mahal ko pa rin ang camera at para sa akin mananatili syang #1 invention. Pero sa ngayon, iniisip kong pag-ipunan muna ang isang napakagandang Whirlpool WFW9600TA bago ko mabili ang Sony Alpha DSLR!!! Makatarungan di ba!!?!


P.S. Syempre, hindi ko ibabasura ang aking lumang washing machine, paparepair ko muna sya para habang nag-iipon pa ako para sa pangarap kong Whirlpool, may magagamit pa ako. :)


Photobucket

No comments: