Pointers: PT Boards Review (Reminiscing)

Dedicated to Len, G2, G1, Grace, June, Jay-ar, Kat, Zeus, Beck, Mac, X, Dix, Eilu, Icay, Daph, Edson, Myka and to all na kukuha ng PT boards.


Season na naman ng review para sa July PT Boards. Naalala ko last year, nung kami ang nakasalang para kumuha ng board exam, kaliwa't kanan ang hiraman ng review paraphernalias sa upper batches at maging ang paghingi ng pointers kung paano magiging effective ang pagrereview.. (Ma'am Tin, maraming salamat po ulit!) Ngayon, ganun ulit para sa mga kukuha pa lang. Wala naman nangungulit sakin gaya ng pangungulit na gnawa ko dati kay Ma'am Tin. Anyways gusto ko pa rin mag-share ng ilang bagay na baka/sana makatulong. So here it goes:


1. condition thyself. I decided to join the in-house review (IHR) last year. Nung una, hesitant ako because after so many years na natigil ito, sa batch na lang namin muling magsisimula ang IHR. Syempre di lang ako, halos lahat kami sa batch ay walang balak magIHR pero nakumbinsi din kami nina Mam Che at Mam Ann (which was a very good thing!) and I am glad most of us sticked together. Added: Isa rin pala si Spencer (ang pangulo ng aming batch) sa masipag na nanghikayat at nanligaw sa bawat isa sa amin upang tangkilikin ang IHR. :)


Nagstart ang IHR if I'm not mistaken, April 20 2007. Pero wala pa talaga ako sa review mode nito. Pwede naman yun, pasok ka lang kahit naka-set sa ibang araw pa yung start talaga ng sariling review season mo. I attended the first week of review but was absent during its 2nd to 4th week because I had to tour Vizayas & Mindanao with family. And during the time na on-travel ako, I brought the concise reviewer made by Ma'am Tin. Unfortunately, I was only able to read the first 10 pages (out of 400+) sa loob ng 3 weeks. Syempre, I wouldn't trade seeing the sceneries of Viz-Min para lang sa ilang pages na maaaral ko kahit alam ko na talagang malayo na ako sa topic na dinidiscuss sa IHR.


Mid-May, I was ready to start. Nasa kundisyon na ika nga!


2. set your short term goals and long term goals. Long term goal natin, syempre ang PUMASA. Short term goals natin ay yung pang-araw araw. At first, hindi ko talaga alam kung pano ako mag-aaral, one topic per day ba, or one book per three days or a day prior to Mock Boards lang ba ako mag-aaral? Magulo dba. One day, my friend Lance told me to set 6 hours per day as my study time. Hindi bababa ng 6 hours per day! I didn't comply nung una kasi naman, 6 hours!!!! But then he bribed me with 3 months supply of Kool-Aid (in three different flavors: pineapple, strawberry and grapes) kapag na-meet ko yung goal na di bababa ng 6 hours per day ang study time ko. Hindi kasama sa 6 hours ang pagkain, CR break (kahit saglit pa yan), sulyap sa TV, computer at mahaba-habang texting. Syempre, kagat naman ako! Kool-Aid ata paborito kong juice drink, haha! At dahil medyo iilan na lang ang nagtitinda sa Manila ng Kool-Aid, hindi na ako mahihirapang maghanap ng supply dba!


Para di ako mahirapan sa pag-track ng time ko, I always had my stopwatch kahit san ako magpunta. Pause kapag kakain, punta ng banyo, magtetext, iinom, kukuha ng ibang reviewer, makikipagkwentuhan sa ibang nagrereview, at kung anu anu pang aktibidades na di konektado sa pag-aaral ng kahit anong PT related.





Isang beses lang nangyari yang 12 hours in one day na yan! Kabaliw! Nag-extra Joss kasi ako noon tapos bukas na bukas ang mata ko, walang kaantok antok. Hindi rin ako nakatulog kahit pilitin ko. Simula noon, hindi na ako uminom ng kahit anong pampagising! Que horror!



Photobucket


Bawat araw na successful sa 6hours per day M.O., reward ay surf sa internet at nood pirated DVD. Syempre ayaw ko naman bangagin ang sarili sa sunod-sunod na araw ng pag-aaral ko kaya ang sched ko: Mon and Tues - aral; Wed - break; Thurs and Fri - attend ng IHR, aral; Sat - Mock Boards; Sunday - kahit ano. Btw, ang 2 hours na pag-attend sa IHR ay not included sa 6hours per day na study natin.


3. post it! Mainam din na gawin mo pansamantalang graffiti ang wall ng kwarto mo, cabinet, or bed mo. Madalas pag gumigising ako, may 30mins to 1 hour akong nakatungaga lang sa kama kasi wala pa sa mood bumangon, maligo, kumain at magsimulang mag-aral. Para masulit ko ang pagtunganga noon, nagdikit ako ng mga reviewers sa unahan ng cabinet ko. They are written in big fonts na pwede kong mabasa kahit nakahiga ako sa kama. Nakuha ko yung idea kay Steph at very effective sya to jump start your review day!


Photobucket


Example lang yan. Syempre, kahit ano pwede nyo ilagay. Lalo na yung madalas niyong makalimutan. Ako kasi, never na tumanim sa utak ko ang developmental milestones! Que horror!


4. share. Huwag mo ring kakalimutang mag-share. Paano ba? Kadalasan sa library nangyayari ito. Makikikumpol ka sa mga friends and classmates mo, at magtanungan kayo. Sa isa o dalawang question na maibahagi mo, tiyak may 10 or more questions na babalik sayo at siguradong sa sampung iyon, may bago kang malalaman. Hindi naman kasi lahat alam ng isang tao.

Among my batchmates, napakasipag mag-share ni Ginno. Everytime may pasok kami sa IHR, may photocopies sya na ididistribute sa mga nagrereview sa library. Mini-exam sya printed in a half bond paper crosswise na multiple choice ang mode at may bonus part pa! Napakatiyaga nyang gumawa ng mga questions para sa amin. Malaki din talaga naitulong nun kasi more on basics (ana, physio, nuero) yung ginagawan nya ng questionnaire. Thanks G!


5. detoxify! huwag mong hahayaang maging buto't balat ka (not applicable sakin kasi payat na talaga ako) pagkatapos ng boards dahil lang sa napabayaan mo ang pagkain mo at sobrang stressed-out ka. DETOX! Eto ang sigurado: lalabas at lalabas kayo ng barkada mo after every Mock Boards! Dapat lang noh!!! Tandaan: be a model of GRACE UNDER PRESSURE. Eto ang hindi ko nagawa noon, kasi naman, mukha talagang bangagers! Ikaw ba naman ang bumaliktad ang bio clock (tulog ng 5am-1pm, gising ng 1pm to 5am)! Si Ginno Basilla ang perfect example ng "grace under pressure" para sa akin. Chos! Love u Ginno.


Para naman sa mahilig magcomputer games, gaming consoles, ok rin yang pang-detox lalo na yung mabilisang detox like kapag 2hours ka na nag-aaral pero wala pumapasok, wag mo pilitin, pause ka lang ng 30mins or 1 hour, then balik ulit. Yun nga lang, may drawback. Mahirap sa brain kapag mga strategic games ang nilalaro mo. Nagkokontrahan sila ng info na inaaral mo. Ewan ko ha, pero sa akin kasi di effective. Kaya more on, Hidden Object Games ang laro ko nun na tanging sense of vision lang ang kailangan. (Highly recommended: Mystery Case Files Ravenhearst, Interpol, Mystery Case Files P.I. The Vegas Heist, The Hidden Object Show, at maraming marami pa! Text me if you wanna know more, haha)


Added: Eto pa, sa mga buwan ng May, June at July pinakamaraming nire-release na Box Office Hollywood Movies (gaya last year, Spiderman 3, Transformers, Ratatouille etc...). Huwag nyong pipigilan ang sarili nyo kasi may mga movies talaga na karapat-dapat panuorin sa big screen at parte pa rin yan ng detox nyo (Iron Man, Hancock, The Dark Knight, Kungfu Panda, The Chronicles of Narnia: Prince Caspian).


6. pray. Everytime I wake up during the review season, I whisper to Him "Lord, sana po makapag-aral ako ng ayos today para naman po hindi nakakahiyang hilingin sa Inyo na ipasa nyo ako sa board exam. Alam ko naman na walang imposible sa inyo pero syempre kung hihiling din lang ako, dapat lakipan ko ng sariling gawa dba." Malalaki na tayo, mga mature na sa pag-iisip kaya sigurado akong alam niyo na mas maganda kung gugustuhin nating pumasa sa board exam hindi dahil para sabihing "Hay sa wakas tapos na rin" kundi dahil gusto nating maging lisensyado. Kalakip ng ating pagiging lisensyado ay ang karapatang makapaglingkod sa Kanya sa propesyong ginusto natin. Sabi nga ni Gagamboy, "With great power (license) comes great responsibilities (as a PT).


Sa panahon ding ito, madalas ang pagsimba at pagnonovena namin. Si Florence, binigyan ang buong batch ng tig-iisang Mongol pencil #2 na may basbas ng Lady of Manaoag. Si Cholette, Mongol din na may basbas ni Sta Clara. Si Ginno naman, nangolekta ng petition letters namin para dalhin sa mga pupuntahan nyang Simbahan. Hindi ako deboto ng mga santo, hindi madalas magnovena at lalong hindi madalas makinig ng Misa sa simbahan pag Linggo. Pero sumasama ako sa mga kaklase kong sumisimba after ng IRH. Madalas ng dasal ko, sa kwarto lang pagkagising at bago matulog o kaya naman ay habang nakasakay sa jeep. Ang pinakakakaiba ko nang nagawa during the review season ay ang mag-alay ng itlog kay Sta. Clara noong July 28 2007, a day before ng aming Board Exam.




P.S. Enjoy lang lagi sa paghihintay ng kwarto para magbukas. Madalas 30mins bago kami magkaroon ng classroom noon, mainit syempre sa labas kasi summer, pero enjoy lang.



--> Motif: Moss green




Hindi naman kailangan na ma-follow nyo talaga rigidly itong mga sinulat ko. You can set your own study habit kung saan komportable kayo. :)



Motif: Black <--



Sana ma-enjoy nyo ang review season ninyo. For 5 years na nag-aral ako ng PT, sa close friends/barkada at groupmates ko lang umikot ang mundo ko. Pero dahil sa IRH, mas naging close ako sa iba ko pang classmates gaya ni Arriane, Joel, Seatmate Carl at marami pang iba. Hindi lahat tungkol sa pagpasa sa exam, kasama na dito ang pagpapatatag lalo ng samahan! Ciao!


Photobucket

No comments: