Asan na ang bigas ni Juan dela Cruz?

Nakakapagtaka naman talaga ang nangyayari sa Pilipinas, este sa Maynila, na wala na halos mabilhan ng bigas sa mga pangunahing palengke.. Alam ko hindi ako reporter sa telebisyon o kolumnista ng dyaryo, pero gusto ko lang ibahagi ang ilang bagay na pwedeng makapagdagdag impormasyon kung asan ba talaga ang ating mga bigas. Maaaring may maliwanagan sa mga sasabihin ko pero marami rin ang magagalit.


Ang mga bigas na idinidispensa ng NFA sa ating mga Pilipino ay angkat mula pa sa Vietnam. May mga consumer na nagsasabing maganda ang quality nito (malinis, hindi bukbukin at maayos ang pagakakagiling) at meron din namang nagsasabing hindi. Pero bakit nga ba nag-aangkat pa ang NFA ng bigas mula sa Vietnam gayong meron naman tayong maaani dito sa Pinas? Malalaki ang lupang sakahan sa Nueva Ecija, sa Southern Tagalog at iba pa.


Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng palay nasasaka sa ating mga lupain ay binebenta ng ating magsasaka sa mga private millers. Bakit? Ang bawat kilo ng palay pag binenta mo sa private miller ay PhP18. Pag nabenta mo ito, wala ka nang poproblemahin pa, ang mga private millers na ang bahala sa pagiling, pagpolish, pagpack at maging sa distribution. Pero kung sa NFA ibebenta ang palay, halagang PhP17 per kilo. Aasikasuhin pa nila ang lahat ng pagiling hanggang pagpack na sobrang hassle sa parte ng NFA at siguradong pag ibebenta nila ito sa pangmasang presyo, lugi kung ikukumpara sa pag-angkat ng bigas na PhP16.25 per kilo kung saan pag repack at distribution na lang ang poproblemahin mo.


Ngayon pumunta naman tayo sa kasalukuyang isyu: nauubusan na ng bigas. Hoarding ba ang dahilan o may anomalya talagang nangyayari sa loob ng gobyerno kung kaya't walang affordable na NFA rice ang maipamahagi sa mga Pinoy?


Well, ang tanging anomalya lang na naririnig ko tungkol sa NFA ay ang patagong pagbebenta ng NFA rice ng ilang kinatawan (mga taong nasa posisyon, maaaring sa kanya kanyang rehiyon o probinsya) sa mga negosyante kung saan inirerepack ito ng mga nakabili at ibebenta sa mas mahal na halaga. Take note, ang isang sakong NFA rice ay nagkakahalaga ng PhP837.50, ngunit kapag ito ay napunta sa mga pribadong negosyo, maaari nila itong presyuhan ng doble o kaya ay ihalo sa mga magagandang klaseng bigas. Kung iisipin mo, nahubaran lang ng sakong may tatak na NFA at napalitan ng ibang pangalan, ay grabe na ang iminahal ng bigas.


Sa parte ng mga kinatawan ng NFA na patagong nagbebenta ng bigas sa mga negosyante, kung iisipin natin, hindi naman talaga corrpuption per sé ang ginagawa nila dahil hindi naman nila ginastos ang kaban ng bayan, pero hindi ito para i-tolerate natin dahil ang masang Pinoy ang nahihirapan sa ginagawa nila. Sa halip na makabili ng PhP 20 per kilo na bigas, kailangan nilang indahin ang pagbili ng PhP 30 per kilo na bigas dahil kung hindi, sila ay magugutom. Sa madaling sabi, wala silang choice!!!


Isa pang nakakapagpalala ng sitwasyon ay ang "Media Hype" regarding the issue. Nakakarinding makinig sa balita kung saan lalo nilang pinapalala ang sitwasyon. Minsan, nanood ako ng TV, may isang babae na hinihingan ng pahayag ng isang reporter. Nagpanting ang tenga ko ng sabihin ng babae na, "Wala na talaga tayong bigas, hindi lang iyan dito sa Maynila kundi sa buong Pilipinas..." Parang nung mga panahon ding iyon, gusto kong sunduin yung babae at dalhin sa Mindoro, ipasyal sa lahat ng bodega ng NFA dun para ipakitang hindi totoo ang sinasabi nya. Hindi ko na nga lang natandaan kung sino yung babae at sa kung anong sangay ng pamahalaan sya nagmula. Eto rin kasi yung isa ko pang kinakaasaran sa media, kung sino sino ang hinihingan nila ng pahayag, maski yung mga taong wala namang koneksyon at wala talagang kinalaman kung nasaan na ang ating bigas, kinakausap nila. Maling mali! Sana lumapit sila sa mga taong may kinalaman talaga...


Maiba naman tayo, sa nakaraang dalawang linggo, hindi nyo ba namimiss si JUN LOZADA? So parang ganun ganun na lang nawala yung isyu ng ZTE scam di ba? Haay!!! Media nga naman talaga, kung saan may isyu, nandun sila para pagkaperahan ito at hindi iparating ang "katotohanan". Natural, dun sila kumikita e. Kelan kaya magiging responsable ang mga media sa Pinas kung saan hindi inaabuso ang demokrasya.


Photobucket

No comments: